Friday, June 12, 2009

PEP: Marian Rivera is in martial arts training for 'Darna'


MANILA, Philippines – Na-excite talaga si Marian Rivera nang sabihan siyang may "Jag Black Magic: The Denim Show" siyang gagawin as one of the endorsers, with Will Devaughn, of Jag's Anti Fit for their customized jeans.

Ginawa ang said fashion show last Saturday evening, May 30, sa Atrium ng Mall of Asia at talaga namang punung-puno ito ng mga tao hanggang sa itaas, at tuwing lalabas si Marian, tilian at palakpakan ang mga tao. Hindi rin mapigilan ang mga tao na kunan siya ng picture.

Medyo nahirapan ngang makapag-interview ang PEP at iba pang entertainment media kina Marian at Will dahil walang lugar na hindi nagkakalipumpon ang mga tao na walang sawang kumukuha ng pictures nila.

Ano ang feeling niya nang rumarampa siya?

"Nakakataranta rin po kasi ang dami-dami namin sa dressing room, tapos mahaba rin ang nirarampahan namin," masiglang sagot ni Marian na sa tingin namin iba ang glow ng beautiful eyes niya, so in love yata ang bagong Darna. "Feeling ko binalikan ko iyong dati kong pagmo-model bago pa ako pumasok ng showbiz."

Ang "Darna" na susunod niyang project sa GMA ang itinanong kay Marian.

"Nakapag-shoot na po ako ng teaser at cinema plug namin," kuwento ni Marian.

Ano ang naging feeling niya nang una niyang isuot ang costume ni Darna?

"Wow! Headdress pa po lamang, talagang iba na ang naramdaman ko at nang isuot ko na ang full costume ni Darna, para pong sumanib na sa akin ang katauhan niya. Napakaganda po ng costume at ayaw kong i-describe sa inyo, tingnan na po lamang ninyo kapag ipinakita na ang cinema plug namin. Iba po talaga!

"Pero ang pinagtutuunan ko po talaga ng pansin ngayon, ang training ko ng martial arts at ang pagsusuot ko ng harness. Totoo po palang napakahirap ng pagsusuot ng harness, hindi biro kaya dinidibdib ko ito. Noong una akong magsuot nito, ipinakita ko kina momsie [her manager, Popoy Caritativo] iyong mga pasa at parang dudugo na iyong part na nalagyan ng harness."

Petroleum jelly

Ano ang payo sa kanya ni Dingdong Dantes dahil nakaranas na rin itong magsuot ng harness?

"Basta sabi po niya sa akin, ingatan ko raw ang sarili ko sa pagti-training ko," ang sagot niya. "Ibinili nga po niya ako ng petroleum jelly para ipahid ko raw sa thighs ko bago ako magsuot ng harness para hindi magitgit ang skin ko. Huwag daw akong susuko dahil talagang mahirap sa simula pero kaya ko raw iyon. Siya po ang nagpu-push sa akin na huwag matakot sa training ko."

Hindi pa alam ni Marian kung sinu-sino ang makakasama niya sa "Darna," siya raw lamang kasi ang nag-shoot ng cinema plug. May balitang may switch daw sila ng katambal ni Dingdong. Si Mark Herras daw ang makakatambal niya at si Jennylyn Mercado naman ang makakatambal ni Dingdong sa "Stairway To Heaven."

"Okey lamang sa akin kahit sino ang makatambal ko," nakangiting wika ni Marian. "Naniniwala ako na ang isang artista, walang karapatang mamili ng mga makakatambal o makakasama niya sa isang project. Hindi ko pawawalan ang opportunity na makagawa ng isang project dahil lamang ayaw ko sa makakasama ko. Saka wala na po iyang issue sa amin ni Mark, patay na iyon, civil naman kami sa isa't isa kapag nagkikita kami, nagbabatian kami. Maliit po lamang ang mundo ng showbiz, iisa ang ating ginagalawan kaya dapat magkakasundo tayong lahat."

Pero may balita ring si Mark Anthony Fernandez ang makakatambal niya at hindi si Mark Herras.

"Tulad po ng sabi ko, wala pong problema kung sino ang makakatambal ko. Kung si Mark Herras o si Mark Anthony Fernandez, nagtatrabaho po lamang kami."

'Tarot' with Trillo

Naikuwento rin ni Marian na may mga tumatawag na sa kanya ng "Darna" at natutuwa raw siya. Sa ngayon, bukod sa pagti-training, busy na rin si Marian sa shooting nila ng horror/suspense movie na "Tarot" with Dennis Trillo, directed by Jun Lana for Regal Entertainment.

"Happy po ako na ang staff din namin ng 'Marimar' ang staff namin sa 'Darna' kaya excited na rin ako sa pagsisimula namin ng taping sa mid-June," aniya. "Hindi ko lamang sure kung ito ang ipapalit sa 'Zorro' by August 2009."


Source

No comments: